Mastermind ng Paris attacks, patay na

 

Patay na ang itinuturong mastermind sa naganap na Paris attacks na si Abdelhamid Abaaoud.

Ito ang kinumpirma ni mga French prosecutors sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at pagtugis sa mga sangkot sa karumal-dumal na sabay-sabay na pag-atake sa anim na lugar sa Paris, France noong Byernes .

Ayon sa mga otoridad, nakilala si Abaaoud sa pamamagitan ng  fingerprint na nakuha sa bangkay ng isa sa mga napatay sa raid sa isang apartment sa Saint-Denis.

Tumagal ng pitong oras ang palitan ng putok sa pagitan ng mga terorista at isa pang babae  na namatay din matapos pasabugin ang isang suicide belt.

Hanggang sa kasalukuyan,  bigo pa rin ang mga otoridad na makilala ang babaeng suspek sa tindi ng pinsalang tinamo ng katawan nito.

Si Abaaoud ay isang Belgian jihadist na siya umanong pinakamataas na Islamic State commander na nagplano at nanguna sa mga pag-atake sa France.

Kabilang sa mga sinalakay ng grupo ni Abaaoud ang Bataclan concert theater kung saan halos isandaang katao ang namatay.

Sa kabuuan, nasa 129 na mga sibilyan ang nasawi sa Friday the 13th Paris attacks.

Read more...