ACT, naghain ng petisyon sa CA para ipatigil ang PNP profiling

By Rhommel Balasbas January 18, 2019 - 03:22 AM

Courtesy of ACT

Naghain ng petisyon ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Court of Appeals para ipahinto ang ginagawang profiling ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga miyembro.

Nais ipatigil ng ACT ang lahat ng operasyon ng PNP na umano’y nagdudulot ng harassment sa kanilang mga lider at mga miyembro.

Iginiit ni ACT Philippines Chairpeson Joselyn Martinez na ito ay unang hakbang pa lamang na kanilang gagawin laban sa illegal profiling, intimidation at harassment na ginagawa ng PNP laban sa mga guro.

Ani Martinez, ang profiling operations ng pambansang pulisya ay iligal at labag sa karapatan sa malayang pamamahayag, association and privacy at sa iba pang batas sang-ayon sa Konstitusyon.

Respondents sa kaso sina PNP Director General Oscar Albayalde, Police Intelligence Director Gregorio Pimentel, Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at 10 police regional directors.

Nauna nang sinabi ng ACT na nag-iikot ang mga pulis sa mga paaralan upang ipagtanong ang mga miyembro ng kanilang grupo sa Malabon, Cebu, Isabela at mga lalawigan sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.