Isa pang Pinoy patay matapos malunod sa New Zealand

By Rhommel Balasbas January 18, 2019 - 04:22 AM

Isa na namang Filipino ang nasawi matapos malunod sa New Zealand ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa pahayag ng kagawaran, sinabi ng Philippine Embassy sa Wellington na naliligo lamang ang 20-anyos na biktima kasama ang mga kaibigan sa Whanganui river.

Dito na umano ito nalunod at natagpuan ang kanyang mga labi kahapon, araw ng Huwebes.

Ito na ang ikalawang insidente ng pagkalunod sa naturang bansa sa loob lamang ng isang linggo at pangatlo naman simula Oktubre.

Matatandaang noong Biyernes, nalunod sa Whangarei Falls ang isang Filipino student na kinilalang si Kent Espinosa.

Noong Oktubre ay nalunod ang isa pang Filipino para sagipin ang kanyang mga pamangkin.

Dahil sa sunud-sunod na insidente ng pagkalunod, magsasagawa umano ang embahada ng townhall meetings sa Filipino Community para sa water safety awareness.

TAGS: Department of Foreign Affairs, New Zealand, Whanganui river, Department of Foreign Affairs, New Zealand, Whanganui river

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.