Prince Philip ng Britanya, nasangkot sa vehicular accident

Nasangkot sa isang vehicular accident ang 97-anyos na asawa ni Queen Elizabeth II na si Prince Philip ayon sa Buckingham Palace.

Ayon sa Palasyo, naganap ang aksidente na kinasasangkutan ng dalawang sasakyan malapit sa Sandringham Estate.

Ang Sandringham ay isa sa mga lugar na nakatayo ang royal residences ng reyna.

Maswerte namang hindi nasaktan ang 97 anyos na Duke of Edinburgh.

Ayon sa ilang mga testigo, bumaligtad ang sasakyang sakay ni Prince Philip.

Giit ng mga ito, conscious naman ang Duke ngunit nanginginig at nagulat ito sa pangyayari.

Dalawang sakay naman ng kabilang kotse ang ginamot matapos magtamo ng minor injuries.

Wala nang iba pang detalye ang ibinigay ng pulisya at Palasyo tungkol sa aksidente.

Read more...