Panukalang pagtake-over ng gobyerno sa Hanjin pag-aaralan pa ng Malacañang
Pag-aaralan pa ng Palasyo ng Malacañan ang panukala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na i-take over na ng gobyerno ang Korean company na Hanjin na nagdeklarang bangkarote na.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon proposal pa lamang na akuin na ng gobyerno ang pamamahala sa Hanjin.
Para sa personal na pananaw ni Panelo, mas makabubuti kung ang gobyerno na ang kukuha sa Hanjin lalo’t nasa ikaapat na pwesto sa world ranking sa shipbuilding ang naturang kompanya.
Income aniya ito sa gobyerno.
Una rito, nagdeklara ng bankruptcy ang Hanjin dahil sa loses.
Dalawang Chinese firms at isang Filipino company na rin ang nagpahayag ng interes na i-take over ang operasyon ng Hanjin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.