Dating Cebu City prosecutor patay matapos tambangan

By Rhommel Balasbas January 18, 2019 - 12:29 AM

Courtesy of Cebu Daily News

Patay sa pananambang ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang dating Cebu City prosecutor sa Escario Street, Cebu City pasado alas-10:00 ng gabi ng Huwebes.

Kinilala ang biktima na si former Cebu prosecutor Mary Ann Castro na kasalukuyang nakatalaga sa Masbate City.

Minamaneho ni Castro ang dilaw na Nissan Juke at binabaybay ang Escario Street ng pagbabarilin ng mga suspek.

Batay sa mga unang ulat, nagtamo ng limang tama ng baril ang biktima.

Ayon kay Chief Inspector Edward Sanches, kontrobersyal ang fiscal dahil napatawan ito ng suspensyon ng Department of Justice bunsod ng sigalot nito sa pamilya ng kanyang dating asawa na si Greco Sanchez, anak ng namayapang Cebu Vice Gov. Gregorio Sanchez.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pananambang kay Castro at isa rito ay may kinalaman sa droga dahil sa mga hawak nitong mga drug cases sa nakalipas.

Agad namang dumating ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para iproseso ang pinangyarihan ng krimen.

TAGS: Cebu City, Cebu City prosecutor, killed in ambush, Mary Ann Castro, Cebu City, Cebu City prosecutor, killed in ambush, Mary Ann Castro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.