Trillanes, dudang maaayos ang sigalot sa pagitan ni Duterte at Simbahan

By Jan Escosio January 17, 2019 - 10:33 PM

Para kaya Senator Antonio Trillanes IV, malabong magkaayos si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Simbahang Katoliko.

Ito ayon sa senador ay dahil satanista ang Punong Ehekutibo.

Aniya, ilang ulit ng nagtangka ang mga malapit sa pangulo na makipag-ayos sa mga taong Simbahan ngunit ang lahat ay nabigo.

Ipinunto ni Trillanes ang patuloy na pagbanat ni Pangulong Duterte sa mga alagad ng Simbahan at paulit-ulit din nitong ikinukuwento ang naranasang pangmomolestiya ng isang pari bagay na hindi pinaniniwalaan ng senador.

Samantala, ‘good luck’ naman ang ibinigay na mensahe ni Trillanes kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nagsabing may mga ginagawa siyang hakbangin para maging maayos na ang relasyon ng pangulo at ng mga alagad ng Simbahang Katoliko.

TAGS: Rodrigo Duterte, sen antonio trillanes iv, Simbahang Katoliko, Rodrigo Duterte, sen antonio trillanes iv, Simbahang Katoliko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.