Reward money sa mga testigong nagturo ng responsable sa pagpatay kay Batocabe, hindi ibibigay ng buo

By Erwin Aguilon January 17, 2019 - 10:21 PM

Hindi ibibigay ng buo ng pamilya ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang reward money sa mga testigo na nagturo sa pumatay sa mambabatas.

Ayon kay Atty. Justin Batocabe, nagkasundo ang kanilang pamilya, Malakanyang, Kamara at Philippine National Police (PNP) na ibigay ‘in tranches’ ang nakolektang reward sa mga suspek na na sina Christopher Naval alyas Tuping, Danilo Muella, Emmanuel Rosillo, Jaywin Babor at Emmanuel Judavar.

Hindi kasama rito ang dalawa sa suspek na bumaril at nakapatay kay Batocabe na sina Henry Yuson at Rolando Arimado o alyas RR.

Naglatag naman ng mga kondisyon ang pamilyang Batocabe na ibibigay ang reward money sa pamilya ng apat para gamitin sa kanilang seguridad, pang-araw araw na pangangailangan, at pag-aaral ng mga anak.

Hindi naman tutol ang pamilya Batocabe na maipasailalaim sa Witness Protection Program ng gobyerno ang mga ito.

TAGS: Atty. Justin Batocabe, Reward money, Rodel Batocabe, Atty. Justin Batocabe, Reward money, Rodel Batocabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.