Kongreso, hindi i-pressure ng Palasyo na ipasa ang 2019 budget

By Chona Yu January 17, 2019 - 10:12 PM

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na i-pressure ang Kongreso para ipasa ang 2019 national budget sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nakausap niya mismo si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at tiniyak nito na ipapasa ang budget sa Pebrero bago ang sine die.

Batid din aniya ng mga mambabatas na apektado na ang mga programa patungkol sa services at imprastraktura.

“Hindi na kailangan. I am sure they will be passing that naman. They are all concerned with the services, the infrastructures that will be affected,” pahayag ni Panelo

Apektado na rin aniya ang dagdag sweldo ng mga guro, sundalo, pulis at iba pang manggagawa sa gobyerno.

Kasabay nito, magiging moot and academic na rin aniya ang mandamus na inihain ni House Majority leader Rolando Andaya sa Korte Supreme na nag-aatas kay Budget secretary Benjamin Diokno na ilabas na ang pondo para sa Salary Standardization Law.

Ayon kay Panelo, wala nang katuturan ang reklamo ni Andaya kung maipapasa ang budget dahil awtomatikong nakapaloob na ang pondo sa 2019 national budget.

TAGS: 2019 national budget, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Speaker GMA, 2019 national budget, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Speaker GMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.