Bilang ng dayuhang kriminal na nahuli ng BI sa 2018, umabot sa higit 200
Nakaaresto ang Bureau of Immigration ng kabuuang 257 na dayuhang kriminal na ginawang taguan ang Pilipinas noong 2018.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang nasabing bilang ay mas mataas sa 232 na dayuhang wanted sa kanilang mga bansa na naaresto ng BI noong 2017.
Sa 257, 98 ang sangkot sa fraud at economic crimes, 98 telecom fraud, 44 ang cybercrime, pito sa sex offenses, tig isa sa gun possession, at drug distribution at isa sa smuggling.
Ang mga ito ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng BI Fugitive Search Unit na pinamumunuan ni BI intelligence officer Bobby Raquepo.
Sinabi ni Morente na karamihan sa mga naaresto nila ay na-deport na at ngayon ay pinagsisilbihan na ang kanilang mga sentensya.
Inilagay na rin nila ang mga ito sa blacklist ng mga undesirable alien para matiyak na hindi na makakabalik ang mga ito sa bansa at maging banta pa sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.