FDA, nagbabala vs hindi rehistradong food products
Muling nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at pagkain ng ng hindi rehistradong food products na ibinebenta sa merkado.
Base sa inilabas nitong FDA advisory no. 2019-008, binalaan ng ahensya ang publiko laban sa mga food product na:
1. Not fried baked snack (in green box)
2. Noodles in purple packaging
3. Chips (in red packaging)
4. Wei Lih Meh noodles at
5. Anchovies in soy sauce
Ang mga ito ay hindi dumaan sa product registration ng FDA at walang kaukulang certificate of product registration alinsunod sa Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009.”
Dahil dito, hindi magagarantiya ng ahensya ang kalidad pati ang kaligtasan ng mga ito at maaari ring makasama sa kalusugan ng mga kakain ng mga nasabing food products.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.