Kongreso hindi pakiki-alaman ng Malacañang sa pagpasa sa 2019 budget

Walang balak ang Malacañang na i-pressure ang Kongreso para ipasa ang 2019 national budget sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakausap niya mismo si House Speaker Gloria Macapagal- Arroyo at tiniyak nito na ipapasa ang budget sa Pebrero bago ang “adjournment sine die”.

Batid din aniya ng mga mambabatas na apektado na ang mga programa patungkol sa services at  imprastraktura.

Apektado na rin aniya ang dagdag sweldo ng mga guro, sundalo, pulis at iba pang manggagawa sa gobyerno.

Kasabay nito, magiging moot and academic na rin aniya ang mandamus na inihain ni House Majority Leader Rolando Andaya sa Korte Supreme na nag-aatas kay Budget Sec. Benjamin Diokno na ilaba na ang pondo para sa salary standardization law.

Ayon kay Panelo, wala nang katuturan ang reklamo ni Andaya kung maipapasa ang budget dahil otomatikong nakapaloob na ang pondo sa 2019 national budget.

“Hindi na kailangan. I am sure they will be passing that naman. They are all concerned with the services, the infrastructures that will be affected”, pahayag pa ni Panelo.

Read more...