Ilang senador suportado ang state takeover sa Hanjin sa Subic
Mas pinapaboran ni Senator Ping Lacson ang ‘government take over’ sa Hanjin Heavy Industries and Construction kesa sa bilhin ang luging kumpaniya ng mga banyagang negosyante.
Inihayag ni Lacson ang kanyang suhestiyon sa deliberasyon ng budget ng Department of National Defense.
Pagdidiin ng senador maaring magamit ang mga isiningit na pondo ss 2019 national budget, partikular na ang P75 Billion na nadiskubreng pasobra sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Hiniling na rin ni Lacson na buuin ang Senado bilang Committee of the Whole para pag-usapan ang isyu.
Pagdidiin ng senador hindi lang isyung pang ekonomiya ang pagsasara ng Hanjin kundi maging sa pambansang seguridad.
Sa panukala ni Lacson sa government takeover ay kikita pa ang gobyerno habang magkakaroon pa ng panibagong pasilidad ang Philippine Navy.
Pinapaboran din ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang panukala ni Lacson.
Maging si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay sang ayon sa gusto ni Lacson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.