Batang isinugod sa Valenzuela City Emergency Hospital negatibo sa meningococcemia

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na negatibo ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa hinihinalang kaso ng Meningococcemia sa Valenzuela City Emergency Hospital o VCEH.

Sa kabila nito, pinaaalalahanan ng Valenzuela LGU ang publiko na huwag agad-agad na matakot sa mga lumulutang na balita at maging maingat sa kalusugan.

Mananatili namang bukas ang VCEH at iba pang pasilidad ng lokal na pamahalaan para sa mga pasyente anumang oras.

Nauna nang napaulat ang pagkamatay ng isang taong gulang na batang babae, na taga-Bulacan at na-admit sa VCEH.

Mataas ang lagnat, may mga pantal at nagtatae ang pasyente, kaya sinabi ng mga opisyal mg VCEH na posibleng may meningococcemia ang bata.

Pero agad na nagsagawa ang pagsusuri ang ospital, habang tiniyak ng local government ng Valenzuela na ligtas ang lahat ng kanilang hospital facilities.

At bilang precautionary measure ay nagpasya ang VCEH na i-fumigate at i-disinfect ang emergency room nila.

Read more...