8 sasakyan nagkarambola sa C5 – McKinley; 1 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2019 - 11:55 AM SHARE(S):
FB Photo: JP Santillan

Walong sasakyan ang nagkarambola sa intersection ng C5 Road at Uppler McKinley Road sa Taguig City.

Ayon sa MMDA, alas 10:00 ng umaga ng mangyari ang aksidente.

Naganap ang aksidente sa southbound lane ng C5 kanto ng McKinley.

Sangkot sa aksidente ang isang 22 wheeler na truck, 3 kotse, isang pick-up, isang bus, isang motorsiklo at isa pang ‘di pa tinukoy na sasakyan.

Isa naman ang nasugatan sa aksidente na mula sa isang kotse na labis na napinsala matapos ang banggaan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.

TAGS: accident, C5, mmda, accident, C5, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.