Kris Aquino, balik-bansa na matapos sumailalim sa medical procedures sa Singapore

By Jimmy Tamayo January 17, 2019 - 11:47 AM

Matapos ang halos dalawang linggo sa Singapore para sumailalim sa ilang medical procedures, nakabalik na ng bansa si Kris Aquino.

Kinailangan din niyang gumamit ng wheel-chair habang nasa airport at pagdating niya sa NAIA dahil nanghihina pa rin daw siya na epekto ng kanyang sakit.

Sa video na pinost ni Kris sa kanyang Instagram account, makikita na tanging ang anak niyang si Bimby ang kanyang kasama habang tinutulak naman siya ng airport staff sa Singapore.

Pagdating dito sa Pilipinas, sinalubong si Kris ng kanyang anak na si Joshua.

Sinalubong naman siya ng mga pagbati sa kanyang pagdating sa kanilang bahay.

Noong isang linggo kinumpirma ng tinaguriang Queen of All Media na nakararanas siya ng isang uri ng Lupus.

Bukod pa ito sa kanyang autoimmune disease kaya nanghihina ang kanyang katawan.

Nag-post din siya ng mensahe para sa mga nakararanas ng kahalintulad na sakit.

Ayon kay Kris karamihan ng mayroong autoimmune diseases ay mga babae at kahit daw makaranas siya ng “bashing” ay wala siyang pakialam.

TAGS: Kris Aquino, Radyo Inquirer, Kris Aquino, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.