Jan. 21 idineklarang special non-working day sa ARMM, Cotabato, at Isabela sa Basilan para sa BOL plebiscite
Idineklarang special non-working day ni Pangulong Rodrigo Duterte ang January 21, 2019 araw ng Lunes sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan at sa Cotabato City.
Ito ay para bigyang-daan ang plebisito ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nabanggit na lugar para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) o ang panukalang batas na papalit sa ARMM.
Sa proclamation number 646 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, binibigyan ng pagkakataon ang mga residente sa lugar na makaboto sa plebisito.
Nilagdaan ang proklamasyon noong January 10, 2019.
Wala pa namang proklamasyon na inilalabas ang Malakanyang kung gagawing special non-working day ang February 6 para naman sa plebisito ng BOL sa Lanao Del Norte maliban na lamang sa Iligan City at anim na munisipyo sa North Cotabato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.