Kapitan ng barangay sa San Fernando, Cebu patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2019 - 11:15 AM

Patay sa pamamaril ang isang chairman ng barangay sa San Fernando, Cebu.

Pinagbabaril ng hindi nakilalang mga salarin si Barangay Magsico Chairman Johnny Arriesgado habang sakay ng multicab.

Nahulog pa sa bangin ang multicab na minamaneho ni Arriesgado na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ayon sa hepe ng San Fernando police Station na si Insp. Lymel Pasquin, patungo sana sa Cebu City ang kapitan nang mangyari ang krimen.

Tatlong anggulo ang tinitignan ng pulisya sa pamamaril.

Una ay ang sinasabing pagkakasangkot sa ilegal na droga ni Arriesgado, ikalawa ang pulitika at ikatlo ay love triangle.

Taong 2017 ay nakulong na si Arriesgado dahil sa kasong illegal possession of firearms.

TAGS: ambush incident, Radyo Inquirer, san fernando cebu, ambush incident, Radyo Inquirer, san fernando cebu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.