P50,000 halaga ng shabu nasabat sa isang drug suspect sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2019 - 09:39 AM

CDN Photo

Arestado ang isang shellcraft maker sa Cebu City matapos mahulihan ng ilegal na droga.

Kinilala ang suspek na si Prescila Mangila, 49 anyos na nadakip sa Brgy. Mambaling.

Aabot sa P50,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska kay Mangila.

Ayon kay Chief Insp. Randy Caballes, ng Mambaling Police Staiton, may nag-tip sa kanila ng ilegal na aktibidad ni Mangila kaya agad silang nagkasa ng operasyon.

Nakakulong na ngayon sa Mambaling police ang babaeng suspek.

 

TAGS: Cebu City, drug suspect, War on drugs, Cebu City, drug suspect, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.