Ayon sa PAGASA, alas 7:50 ng umaga ng Huwebes, Jan. 17, pumalo sa 19.0 degrees Celsius ang temperatura na naitala sa Science Garden sa Quezon City.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Benny Estareja, ito na ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila para ngayong Enero 2019.
Bahagya namang tumaas ang temperatura sa Baguio City. Alas 5:00 ng umaga ay naitala ang 14 degrees Celsius sa Baguio, mas mataas kumpara sa 12.8 degrees Celsius na naitala kahapon ng umaga.
Sa Tuguegarao City naman, 19 degrees Celsius din ang naitala ng PAGASA dakong alas 7:50 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES