Pag-ihip ng Amihan umabot na sa Mindanao

Hanging Amihan pa rin ang weather system na nakakaapekto sa bansa at umabot na ang pag-ihip nito sa Mindanao.

Ayon 4am weather update ng PAGASA, patuloy na mararanasan ang napakalamig na panahon sa extreme northern Luzon.

Ngayong araw maulap na kalangitan ang mararanasan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa Amihan.

Ipinagbabawal ang paglalayag sa mga bay

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may posibilidad ng pulo-pulong pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 2,395 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Mababa na ang tyansa na maging ganap itong bagyo ayon sa PAGASA.

Inaasahang papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bilang isang LPA, bukas araw ng Biyernes.

Read more...