Gr.11 student binugbog ng mga kapwa estudyante dahil sa selos, kritikal

By Rhommel Balasbas January 17, 2019 - 04:03 AM SHARE(S):

Comatose ngayon ang isang grade 11 student sa Mangaldan, Pangasinan matapos umanong bugbugin ng kanyang mga kapwa estudyante.

Ayon sa pulisya, nasa canteen lamang ng Mangaldan National High School ang biktimang si Kenneth Langit nang suntukin ito ng grade 12 student na nakilalang si George Maramba.

Nakaganti pa si Langit ngunit tumulong kay Maramba ang kanyang mga kaklase na sina Jason Soriano at Jay-ar Biagtan.

Naihi at nawalan ng malay si Langit sa tindi ng pagkakagulpi ng tatlo.

Ayon sa pamunuan ng eskwelahan, walang masamang record si Langit at posibleng alitan sa babae ang dahilan ng pambubugbog dito.

Ayon sa kanyang kaanak, may crush kay Langit ang nobya ng isa sa mga nambugbog.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang mga estudyante na may edad 19, 22 at 23.

Nadakip si Biagtan sa isang manhunt operation habang sumuko naman sina Maramba at Soriano.

Hinihintay na lamang na makauwi ang ina ng biktima na isang overseas Filipina worker sa Kuwait para gumulong ang kaso laban sa tatlong mag-aaral.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.