24 arestado sa sinalakay na shabu tiangge sa QC
Arestado ang may dalawampu’t apat katao makaraang salakayin ng mga tauhan ng Regional Anti-Illegal Drugs (RAID) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng PNP ang isang shabu tiangge sa Quezon City.
Sinabi ni RAID Chief C/Insp. Roberto Razon na matagal na silang nakatatanggap ng tip kaugnay sa umano’y talamak na bentahan ng droga sa Brgy. Sto. Cristo sa nasabing lungsod.
Nagaganap umano ang bentahan ng droga sa nasabing lugar 24-oras at malapit lamang ito sa isang Barangay Outpost.
Makaraan ang ilang araw ng pagpaplano ay isinagawa nila ang pagsalakay kanina na nagresulta sa pagkaka-aresto sa sampung kababaihan at labing-apat na mga kalalakihan na pinaniniwalaang mga pusher din ng droga.
Nabawi mula sa mga suspects ang 60 sachet ng shabu at mga pera na pinaniniwalaang mula sa pinagbentahan ng droga.
Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng mga otoridad para alamin kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing illegal drug trade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.