Giyera kontra droga ng Pilipinas pinuri ng Sri Lanka
Pinuri ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena ang giyera kontra droga ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos dahil sa pagkamatay ng libu-libong umano’y sangkot sa kalakaran ng bawal na gamot.
Sa media conference sa Malacañang, sinabi ni Sirisena na ang ‘war against criminality and drugs’ na pinamumunuan ni Duterte ay isang halimbawa sa buong mundo.
Iginiit ng Sri Lankan leader na talamak din ang iligal na droga sa kanyang bansa at dapat nang gayahin ang ginagawa ng Pilipinas para makontrol ito.
“The war against crime and drugs carried out by you is an example to the whole world and personal to me. Drug menace is rampant in my country and I feel that we should follow your footsteps to control this hazard,” ani Sirisena.
Sa naturang conference, nauna na ring sinabi ni Duterte na ang iligal na droga ay kapwa banta sa Sri Lanka at Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.