Problema sa iligal na droga idiniga ni Pangulong Duterte kay Sri Lankan President Sirisena

By Chona Yu January 17, 2019 - 12:20 AM

Hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilatag kay Sri Lankan President Maithripala Sirisena ang problema sa iligal na droga na aniya’y hindi lang sa Pilipinas nararanasan kundi maging sa ibang bansa.

Sa joint press statement ng dalawang lider kagabi sa Malacañang, sinabi ng pangulo na mas maiging magtulungan ang Pilipinas at Sri Lanka para solusyonan ang naturang problema.

Kasabay nito nagkasundo din ang dalawang lider na palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa sektor ng defense, education, agriculture at people to peoples cooperation.

Natalakay din ng dalawang lider ang poverty reduction.

Sa panig naman ni Sri Lankan President Sirisena, pinasalamatan nito ang pangulo na nabigyan siya ng pagkakataong makabisita sa bansa.

Inimbitihan din ni Sirisena si Pangulong Duterte na bumisita sa Sri Lanka sa mga susunod na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.