Pilipinang turista nawawala sa Bali, Indonesia

By Len Montaño January 17, 2019 - 12:07 AM

Isang Pilipinang turista ang nawawala sa Bali, Indonesia mula pa noong Pasko.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), si Ella Balmaceda Paaño, 25 anyos na resort worker sa Palawan ay pumunta sa Bali noong December 22, 2018 at dapat na bumalik sa Pilipinas noong December 28, 2018.

Pero ayon sa pamilya ni Balmaceda, nawalan sila ng komunikasyon sa kanilang kaanak simula noong Pasko.

Sinabi ng DFA na hindi na makontak ang cellphone number ni Balmaceda at ang huling post niya sa social media ay noong bisperas ng Pasko December 24, 2018.

Naghain na ang Philippine Embassy sa Jakarta ng missing person report para sa pagkawala ni Paaño.

Hiniling naman ng DFA ang tulong ng mga otoridad sa Indonesia sa paghahanap sa Pinay.

Anumang impormasyon ukol kay Paaño ay pwedeng ipaalam sa kanyang pamilya sa mga numerong 0908-1427763 o 0912-5788021.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.