‘Absolute divorce’ bill inihain sa Senado

By Len Montaño January 17, 2019 - 12:01 AM

Inihain ni Senator Risa Hontiveros ang “absolute divorce” bill sa Senado sa kabila ng pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang katulad na panukalang batas sa Kamara.

Sa ilalim ng Senate Bill 2134 ni Hontiveros na kilala bilang “Divorce Act of 2018” ang mag-asawa ay pwedeng maghain ng legal separation kung ang pagsasama bilang mag-asawa ay may kasamang pag-abusong pisikal at mental.

Sinabi ng Senadora na may patunay na dahil walang batas sa diborsyo ay dehado ang babae na kalimitang biktima ng abuso habang siya ay kasal.

Nakasaad din sa divorce bill ang “psychological incapacity” ng sinuman sa mag-asawa, “irreconcilable marital differences,” “marital rape,” at ang pagiging hiwalay sa asawa ng 5 taon bilang mga grounds ng divorce.

Habang ang asawa na napatunayang gumamit ng dahas o nanloko, dahilan para mag-file ng diborsyo ang kabilang panig, ay papatawan ng P200,000 na multa at makukulong ng 5 taon.

Noong March 2018 sa ilalim ni dating Speaker Pantaleon Alvarez ay inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang bill na magbibigay-daan sa diborsyo at dissolution of marriage pero sinabi ng Pangulo na hindi niya ito susuportahan dahil hindi raw masaya rito ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.