Pagpapalaya sa 7 Pinoy seamen na nakulong sa Libya ginagawan ng paraan ng DFA

By Len Montaño January 17, 2019 - 12:01 AM

Ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat para mapalaya ang 7 Pilipinong seamen na nakakulong sa Libya dahil sa umanoy pagpuslit ng langis.

Ayon sa DFA, umapela si Secretary Teodoro Locsin Jr. kay Libyan Deputy Foreign Minister Lufti Al-Maghrabi para sa kalayaan ng Pinoy seafarers.

Nakipag-usap si Locsin sa naturang opisyal ng Libya sa sidelines ng Global Compact for Migration meeting sa Morocco noong nakaraang buwan.

Dagdag ng ahensya, binisita ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Tripoli sa ilalim ni Charge d’Affaires Mardomel Celo Melicor ang 7 Pinoy at pinanatili ang serbisyo ng abogado na kakatawan dito sa korte.

Ang 7 Pinoy seamen ay kabilang sa 20 Filipino crew members ng Liberian-flagged MV Levant na hinuli ng Libyan Coast Guard noong August 2017 dahil sa umano’y fuel smuggling.

Tiniyak naman ng Libyan authorities sa embahada ng Pilipinas na maayos ang kundisyon ng mga Pinoy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.