Mosyon na inihain ng Rappler para sa kasong tax evasion ibinasura ng DOJ

By Len Montaño January 17, 2019 - 12:01 AM

INQUIRER file photo

Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) sa desisyon na kasuhan ng tax evasion ang online news site na Rappler.

Sa 2 resolusyon, ibinasura ni Assistant State Prosecutor Zenamar Machacon-Caparros ang motions for reconsideration na inihain ng Rappler Holdings Corporation, Rappler CEO Maria Ressa at accountant Noel Baladiang.

Ayon kay Caparros, walang “sustainable ground” para baligtarin o baguhin ang kanyang inisyal na resolusyon na nagresulta sa paghahain ng 4 na kaso sa Court of Tax Appeals at 1 sa Pasig Regional Trial Court.

Nag-ugat ang kaso sa alegasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na bigo ang Rappler na magbayad ng income tax mula sa pagbenta ng Philippine Depositary Receipts noong 2015.

Si Ressa, na una nang sinabi na political persecution ang mga kaso laban sa kanila, ay nakatakda ang arraignment sa February 6.

Sa pagbasura naman sa apela ni Ressa, itinanggi ni Caparros na tinanggalan niya ito ng karapatang maghain ng motion for reconsideration sa unang resolusyon dahil nagsampa ng kaso sa CTA bago natapos ang 15 araw na reglementary period.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.