Pamilya ni Brian Velasco umapela ng privacy sa pagkamatay ng Razorback member
Nakiusap ang pamilya ni Razorback drummer Brian Velasco na huwag nang ipakalat ang huling video nito.
Ang tinutukoy ng pamilya ni Velasco ay ang Facebook live video nito kung saan makikitang tumalon ang musikero mula sa isang condominium sa Malate, Maynila.
Sa isang mensahe, umapela ang pamilya ni Velasco na tulungan silang i-report ang naturang video.
Dapat ay “down” na ito sa social media, pero may ilang tao ang nakapag-save ng video at ipinapaklat pa ito.
Labis naman nalulungkot ang mother-in-law ni Velasco na si Professor Clarita Carlos, at ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook account.
Sa ulat ng Manila Police District, si Velasco, 41-anyos, ay nagpatiwakal umaga ng Miyerkules (January 16, 2019).
Tumalon umano ito mula sa 34th floor roofdeck ng City Land Tower.
Samantala, kung may problemao depressyon o gustong may makausap, may Hopeline hotlines na maaaring tawagan. I-dial lamang ang 804-HOPE (4673); 0917 558-HOPE (4673) o 2919.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.