Raffled numbers para sa partylist group di babaguhin ng Comelec

By Isa Avedaño-Umali January 16, 2019 - 05:44 PM

Inanunsyo ng Commission on Elections o Comelec na kanilang pananatilihin ang “raffled numbers” ng mga party-list group para sa May 2019 midterm polls.

Sa isang statement, sinabi ng Comelec na nagpasya rin ang en banc na paiiralin ang “numbering sequence” para sa party-list groups na papayagang magsabak sa halalan.

Paliwanag ng poll body, kung madiskwalipika ang isang party-list group na makasama sa eleksyon, kanilang kakanselahin ang raffled number.

Ang kwalipikadong party-list groups naman ay mapapanatili ang kanilang number at hindi maaapektuhan ang kanilang numero sa mga balota.

Noong December 5, 2018, nagsagawa ang Comelec ng automated raffle upang madetermina ang “order of listing” sa hanay ng party-list groups, organisasyon o koalisyon para sa official ballot, alinsunod sa Resolution no. 10448.

Kasama sa raffle draw ang mga pinal na ang rehistrasyon at mga naghain ng kanilang Manifestations of Intent to Participate in the Party-list Elections noon o bago ang May 2, 2018.

TAGS: comelec, partylist groups, raffled numbers, comelec, partylist groups, raffled numbers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.