Lindol sa Davao itinaas ng Philvocs sa magnitude 6
Itinaas ng Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (Philvocs) sa magnitude 6.0 ang lindol na naramdaman sa bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental kaninang 4:03 ng umaga.
Sa kanilang advisory na inilabas pasado alas-dose ng tanghali, sinabi ng Philvocs na naramdaman ang nasabing lindol sa lakas na intesity 4 sa Davao City; Mati City; Santa Josefa, at Agusan del Sur.
Intensity naman ang naitala sa Digos City; Alabel, at Malungon sa lalawigan ng Sarangani; Manay, Davao Oriental at Prosperidad, Agusan del Sur.
Intensity 2 sa General Santos City; Tupi, South Cotabato; Glan, Kiamba, at Malapatan, Sarangani kasama ang Makilala town sa Cotabato
Sa Gingoog City ay naitala ang intensity 1.
May lalim na 40 kilometers ang pagyanig na nasa gitna ng karagatan at tectonin naman ang origin.
Sinabi ng Philvocs na hindi nila inaasahan ang mga malalakas na aftershocks kasunod ng naturang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.