Lorenzana: Duterte interesado sa gov’t takeover sa operasyon ng Hanjin

Inquirer file photo

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na pag-takeover ng pamahalaan sa operasyon ng bangkaroteng Hanjin Philippines.

Ang nasabing shipyard ang isa sa mga dating pinaka-malaking investor sa loob ng Subic Bay Freeport.

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na pwedeng sa nasabing shipyard gawin ang mga barko para sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Nauna napag-usapan ang posibilidad ng takeover sa budget deliveration sa Senado.

Noong isang taon ay umabot sa 7,000 mga empleyado ang Hanjin ang inalis sa trabaho makaraang magdeklara ng pagkalugi ang nasabing South Korean firm.

Ngayong taon ay inaasahang aabot sa 3,000 mga dagdag na manggagawa ang posibleng mawalan rin ng trabaho sa Hanjin base sa pagtaya ng Department of Labor and Employment.

Ipinaliwanag rin ni Lorenzana na pag-aaralan ng mga economic managers ng pangulo kung viable ang nasabing plano dahil umaabot sa $430 Million ang utang ng Hanjin sa mga lokal na bangko sa bansa.

Lumutang rin ang posibilidad na kunin ang pondo mula sa P75 Billion na nakitang insertion sa panukalang 2019 national budget.

Nauna dito ay naghayag rin ng interes sa Hanjin takeover ang ilang private bank sa bansa maging ang ilang mga negosyante mula sa China.

Read more...