Razorback drummer na si Brian Velasco nagpakamatay

By Isa Avedaño-Umali January 16, 2019 - 03:10 PM

Patay ang isang miyembro ng bandang Razorback matapos na tumalon mula sa rooftop ng isang condominium sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si Brian Velasco, drummer ng nabanggit na banda.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District o MPD, tumalon si Velasco mula sa rooftop ng Cityland Tower sa Vito Cruz, Malate umaga ng Miyerkules (January 16).

Nabatid na nag-live stream pa sa Facebook si Velasco, bago biglang tumalon.

Tinanggal na ang video sa social media.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kaibigan sa industriya ni Velasco, maging ang kanyang fans.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng nasabing biktima.

 

TAGS: brian velasco, razorback, suicide, brian velasco, razorback, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.