Naplatnsa na ng Senado at Kamara ang mga isyu kaugnay sa isinusulong na pagbuwag sa Road Board.
Nakipagpulong kagabi sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay House Majority Leader Rolando Andaya para sa mga hakbangin ukol sa paglusaw sa Road Board.
Ayon kay Zubiri napagkasunduan na simple lang ang gagawing pag amyenda sa plano.
Aniya ang Road User’s Tax ay gagamitin sa pagpapagagawa at pagsasaayos ng mga kalsada, tulay at road drainages at ito ay isasama sa taunang General Appropriations Act.
Paliwanag ni Zubiri nangangahulugan ito na mabubusisi na sa Kongreso ang paggasta ng naturang buwis.
Sinabi pa nito na ilalatag niya sa mga kapwa senador ngayon araw ang napag usapan kagabi at inaasahan na mabilis na magkakaroon ng bicameral meeting ukol dito.
Noong Setyembre ipinasa sa Kamara ang panukalang pagbuwag ng Road Board at sinang ayunan ito ng Senado ngunit kinaulaunan ay kumambiyo ang Mababang Kapulungan at binawi ang kanilang naging hakbang.