Pangulong Aquino at Chinese President Xi nag-usap at sabay na pumasok sa PICC
Muling naging sentro ng atensyon ng mga dumalo sa APEC leaders’ meeting sina Pangulong Noynoy Aquino at Chinese President Xi Jinping.
Kung kahapon ay hindi kinausap ng Pangulo bagama’t magkalapit lamang sila ni Xi habang papasok sa plenary hall ng Philippine International Convention Center (PICC), kanina ay iba na ang eksena.
Magkasabay na pumasok ng PICC at nag-uusap pa sina Pangulong Aquino at Xi.
Parehong nakangiti ang dalawang lider na kabaliktaran ng mga eksena kahapon.
Nananatili namang tahimik ang mga tagapasalita ng Pangulo ng sila’y tanungin kung bakit hindi kinausap kahapon ni PNoy si Xi.
Kung kahapon ay hindi nakadalo si U.S President Barack Obama sa pagbubukas ng pulong ng Asian Business Advisory Council (ABAC) na bahagi pa rin ng APEC leaders’ meeting, kanina ay maaga siyang dumating sa PICC para sa plenary session.
Inaasahan din na maglalabas ng pahayag ang mga economic leaders kaugnay sa pagkondena nila sa mga terrorism acts kung saan ay pinakahuling biktima ang Paris France.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.