2 patay, 3 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Pangasinan

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2019 - 10:59 AM SHARE(S):
Inquirer file photo
Dalawa ang nasawi at sugatan ang tatlong iba pa sa magkahiwalay na aksidenteng naganap sa Pangasinan.

Sa bayan ng Asingan, patay sina Czarino Manibog, 25 anyos at back rider nitong si Jemray Castillo, 22 anyos.

Ito ay makaraang bumangga sa isang pickup truck ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Sugatan naman sa nasabing aksidente ang driver ng pickup na si John Mark Calrion, 24 anyos at ginagamot sa ospital.

Samantala, sa bayan ng Sual, nagkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa national road na sakop ng Brgy. Caoayan.

Sugatan sa nasabing aksidente ang sakay ng mga motorsiklo na sina Ralph Alvarez, 23 anyos at Jovell Castro, 27 anyos.

Kapwa mabilis umano ang patakbo ng dalawang riders at hinihinalang nakainom.

TAGS: accident, pangasinan, sual asingan, accident, pangasinan, sual asingan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.