LOOK: Miss Universe 2018 Catriona Gray tampok sa Stargate PeopleAsia

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2019 - 10:44 AM

FB PHOTO: Stargate PeopleAsia

Tampok si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa special collector’s issue ng Stargate PeopleAsia.

Sa larawan na ibinahagi sa Facebook Page ng Stargate PeopleAsia, cover photo ng magazine si Catriona suot ang kaniyang pulang gown nang siya ay Manalo bilang Miss Universe.

Ayon sa caption sa Facebook, mababasa sa special collector’s issue ang mga kwento ni Catriona kabilang ang kaniyang ginawang paghahanda at ang analysis kung bakit siya ang nanalo gayundin ang mga larawan ng blow-by-blow front-row view ng coronation night sa Bangkok.

Excited namang ibinahagi ni Catriona sa kaniyang Instagram ang larawan ng magazine.

Isinama din sa issue si Mak Tumang ang designer ng mga gown na isinuot ni Catriona, gayundin ang tatlo pang Miss Universe mula sa Pilipinas na sina Pia Wurtzbach, Gloria Diaz at Margie Moran.

TAGS: Catriona Gray, PeopleAsia, Stargate, Catriona Gray, PeopleAsia, Stargate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.