Lea Salonga naaksidente sa pag-ski sa Japan

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2019 - 10:28 AM

Naaksidente sa Japan si Lea Salonga habang siya ay nag-i-ski sa Hokkaido, Japan.

Sa kaniyang video na ibinahagi sa Instagram, ipinakita ni Salonga ang kaniyang saklay na aniya ay kakailanganin niyang dalhin matapos ang aksidente.

Ayon kay Lea hindi niya nagawang makahinto habang nag-i-ski kaya siya at tumama sa isang bagay.

Nabalian umano siya sa kaniyang binti, pero wala namang dapat na ipag-alala dahil maayos ang kaniyang kondisyon.

Hindi rin aniya ito magiging dahilan para makansela ang serye ng kaniyang konsyerto.

Ani Lea, tuloy ang concert niya sa Hong Kong, Singapore at UK dahil kaya naman niyang kumanta.

Kaya lang, sinabi ni Lea na kakailanganin niyang umupo sa kasagsagan ng concerts.

 

TAGS: concerts, Japan, Lea Salonga, Ski, concerts, Japan, Lea Salonga, Ski

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.