Sinimulan na ng MMDA ang dry run para sa pagpapatupad ng yellow lane policy sa Elliptical Road. sa Quezon City.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, target ng nasabing polisiya na maiwasan ang biglang pagpapalit ng linya ng mga motorista.
Mula pa lamang sa bahagi ng Kalayaan, lalagyan na ng road markings.
Hindi pa naman masabi ni Pialago kung kailan pormal na pasisimulan ang pagpapatupad ng yellow lane policy sa elliptical road.
Pero P1,000 ang itinakdang multa ng MMDA sa mga mahuhuling lalabag.
MOST READ
LATEST STORIES