Finalist sa Miss Universe Jamaica 2014, pumanaw dahil sa sakit na lupus

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2019 - 09:52 AM

Pumanaw dahil sa sakit na lupus ang isa sa mga finalist ng Miss Universe Jamaica 2014.

Nasawi si Zandrea Bailey sa edad na 29 habang nasa isang ospital sa New York City kung saan na-admit ng ilang linggo na.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay at pagdadalamhati sa pagpanaw ni Bailey si Miss Universe Jamaica 2014 titleholder Kaci Fennell.

Si Bailey ay na-diagnose namayroong Lupus noong 2012.

Taong 2014 nang pumanaw ang kaniyang ina dahil din sa parehong sakit.

Dahil sa kaniyang sakit, naging aktibo sa isang foundation si Bailey para tulungan ang mga tinamaan ng lupus.

TAGS: Miss Universe Jamaica finalist, Zandrea Bailey, Miss Universe Jamaica finalist, Zandrea Bailey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.