Mga saksi sa Batocabe murder case nakausap ni Pang. Duterte sa Malakanyang

By Chona Yu January 16, 2019 - 08:21 AM

Presidential Photo

Nakaharap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga saksi sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Naganap ang pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang, Martes ng gabi sa sideline ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police command conference.

Ininterview pa ng pangulo ang isa sa mga saksi.

Gayunman walang ibinigay na karagdagang impormasyon ang Malakanyang kung ano ang sinabi ng pangulo sa mga witness.

Kasama ng mga saksi na humarap sa pangulo si PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Matatandaang personal na binisita ng pangulo ang mga labi ni Batocabe sa Bicol kamakailan.

TAGS: AFP, Batocabe slay case, PNP, Rodrigo Duterte, AFP, Batocabe slay case, PNP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.