Dalawang hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2019 - 08:17 AM

Radyo Inquirer Photo | Ronnie Blaza

Nasawi ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang makipagbarialn sa mga pulis sa Payatas Road, Quezon City.

Naganap ang engkwentro Miyerkules, Jan. 16 ng madaling araw.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na nakuhanan ng isang bag na hinihinalang kanilang ninakaw.

Sinabi ni Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station, may mga pulis na nakatalaga sa bahagi ng Molave Street para sa checkpoint kaugnay sa umiiral na election period nang mapadaan ang dalawang suspek.

Nang parahin ay pinaharurot pa ng mga ito ang sinasakyang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga pulis.

Pinaputukan ng mga suspek ang mga otoridad dahilan para mauwi na sa engkwentro ang insidente.

Isang babae naman ang nagtungo sa pulisya at sinabing siya ang may-ari ng na-recover na bag.

WATCH:

TAGS: encounter, payatas road, quezon city, encounter, payatas road, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.