Pulis sugatan sa anti-APEC rally sa Buendia

By Ruel Perez November 19, 2015 - 11:55 AM

12273078_928168147249744_879286555_n
Kuha ni Ruel Perez

Isang pulis ang nasugatan sa tensyon na naganap sa pagitan ng mga raliyista at mga anti-riot police sa Buendia kanto ng Roxas Boulevard sa Pasay City.

Nilapatan ng lunas sa emergency vehicle ng Philippine National Police (PNP) si PO1 Christian Latawan na mula pa sa Region 1 at idineploy sa Metro Manila para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad ngayong APEC summit.

Tinamaan ng malaking tipak ng bato sa mukha si Latawan na inihagis ng mga raliyista.

Ayon sa mga nagbigay ng 1st aide kay Latawan na kapwa niya rin mga pulis, nagtamo ito ng 1 ½ cm na sugat sa kaniyang mukha.

Maliban sa truck ng bumbero, may nakahandang venom tear has launcher ang mga tauhan ng PNP-Special Action Force sa lugar sakaling magmatigas ang mga raliyista na sumugod sa Roxas Boulevard.

Dahil sa nasabing protesta, nabarahan ng mga raliyista, mga pulis, mga 20 footer container van at mga truck ng bumbero ang Buendia patungo sa Roxas Boulevard.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.