Pangambang data breach sa National ID System, pinawi ng Malacañan

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na walang magaganap na data breach kapag isinulong na ang National ID System.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi kasi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng data breach dahil maselan o delicate matter ang mga impormasyon.

Kasabay nito, pinawi ng Palasyo ang pangamba ng publiko na nagkaroon ng passport data breach sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Panelo, si DFA Secretary Teodoro Locsin na ang nagbigay ng pahayag na hindi tinangay ng kontraktor ang data.

Read more...