Landbank, pagpapaliwanagin ng Malacañan kaugnay sa pagpapautang sa Hanjin
Pagpapaliwanagin ng Palasyo ng Malakanyang ang Landbank of the Philippines kung bakit inuna nitong pautangin ang kumpanyang Hanjin ng Korea na nakabase sa Subic, Zambales ng 85 million dollars kaysa sa pag-utang ng grupo ng mga magsasaka ng mais na Philippine Maize Federation.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas maigi na lumiham ang Philippine Maize Federation kay Pangulong Rodrigo Duterte para maaksyunan ang kanilang reklamo.
Nais din ni Panelo na malaman kung ginawa ang pangungutang ng Hanjin bago pa man naupo sa puwesto ang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.