Malamig na panahon patuloy na mararanasan dahil sa Amihan
Patuloy na makararanas ng malamig na panahon sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Luzon dahil sa pag-ihip ng hanging Amihan.
Matatandang bumagsak sa 9.5 degrees Celsius ang temperatura sa Mt. Sto. Tomas sa Benguet kahapon.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ang Cagayan Valley ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng magandang panahon maliban na lamang sa mga pulo-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Ang low pressure area naman na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa 2,415 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Posible pa rin itong maging bagong bagyo at pumasok ng Philippine Area of Responsibility at pangangalanang ‘Amang’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.