Fish vendor arestado dahil sa paglabag sa election gun ban

By Rhommel Balasbas January 16, 2019 - 04:54 AM

CDN photo

Timbog ang isang tindero ng isda matapos maaktuhang may dalang baril sa isang lodging house sa Barangay Kalubihan, Cebu City, Martes ng gabi.

Nakilala ang lalaki na si Francis Evan Torrevillas, 30 anyos na nakuhaan ng kalibre .38 na baril.

Ayon kay Carbon Police commander Chief Inspector John Kareen Escober, isang ulat ang kanilang natanggap na may isang lalaki na may dalang baril ang nasa isang lodging house.

Ani Escober, namataan nila si Torrevillas na papaalis na ng lodging house at may baril na nakasuksok sa kanyang bewang.

Hindi naman umalma si Torrevillas sa pag-aresto sa kanya.

Matatandaang ipinatutupad simula noong Linggo ang gun ban bilang bahagi ng security measures para sa May 2019 elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.