2 arestado sa buy bust operation sa Quezon City
Arestado ang dalawang lalaki sa buy bust operation ng mga pulis sa Brgy. Baesa, Quezon City.
Napag-alaman na dati nang nakulong ang dalawa kung saan ang isa ay dahil din sa iligal na droga.
Si alyas ‘Enteng’ ay nakulong na dahil sa paggamit ng bawal na gamot, habang si alyas ‘Ambo’ ay natimbog na dahil sa kasong alarm and scandal.
Ayon sa kagawad ng Barangay Baesa na si Reynan Castillo, target lamang ng operasyon si Enteng na isa umanong notoryus na drug pusher sa kanilang lugar.
Nabilhan ng mga pulis ang suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P200 dahilan para ito ay arestuhin.
Inaresto rin si Ambo na kanyang kasamahan.
Nakuha mula sa dalawa ang anim na sachet na hinihinalang shabu, drug paraphernalia at isang granada.
Bagaman aminadong gumagamit ng droga, pinabulaan ng dalawa na nagtutulak sila at kanila ang granada.
Bukod sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay kakasuhan din ang mga ito ng paglabag sa RA 9516 o Possession of Explosives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.