Naganap ang pagyanig alas 4:03 ng umaga ng Miyerkules, Jan 16.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala 127 kilometers southeast ng Governor Generoso.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 114 kilometers.
Ayon sa Phivolcs ang nasabing pagyanig ay aftershock pa ng magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Davao Oriental kamakailan.
Naitala naman ang sumusnod na intensities:
• Intensity IV- Davao City at San Josefa, Agusan del Sur
Instrumental Intensities:
• Intensity III- Alabel, Sarangani
• Intensity II- General Santos City, Kiamba, Sarangani, Kidapawan City, Gingoog City at Tupi, South Cotabato
• Intensity I- Cebu City at T’boli, South Cotabato
Ayon sa Phivolcs maaring magkaroon pa ng aftershocks bunsod ng nasabing lindol.